The Blockbuster Director Wenn V. Deramas died on February 29, 2016, due to cardiac arrest, according to his friend June Rufino. Read the story from Inquirer.net
Source: http://radyo.inquirer.net/25850/direk-wenn-de-ramas-pumanaw-na

Pumanaw sa edad na 47 ang direktor na si Wenn De Ramas.

Cardiac arrest ang dahilan ng pagpanaw ng direktor.

Isa lamang sa pinakahuling pelikula ni De Ramas ay ang “Beauty and Bestie” na kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong Disyembre.

Nagpahayag na ng kalungkutan at pakikiramay ang mga kasamahan ni De Ramas sa industriya dahil sa kaniyang pagpanaw.

Sa tweet ni Vice Ganda, sinabi nitong ‘sagad hanggang buto’ ang kaniyang kalungkutan dahil sa pagpanaw ng direktor.

Gamit din ang kaniyang twitter account, nagpaalam si Anne Curtis-Smith kay Direk Wenn.

Taong 2010 nang itanghal si De Ramas bilang “Best Director” para sa pelikulang “Ang Tanging ina mo (Last na ‘to) na pinagbidahan ni Ai-Ai delas Alas.

Source: http://radyo.inquirer.net/25850/direk-wenn-de-ramas-pumanaw-na



YOUR REACTION?

Facebook Conversations



Disqus Conversations